Friday, September 11, 2009

Drama: Anti-Poor

Hay naku... Anti-poor na naman ang drama. Pag nagkaroon daw ng tax ang texting, kawawa na naman ang mahihirap. Oo nga, I agree. Pero di lang naman mahihirap ang kawawa kundi lahat ng tao na magte-text ano?!

Anti-poor, anti-poor. Eh 'yang mga poor nga ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa bansa, in the end, sila pa rin ang iniintindi ng gobyerno. Samantalang ang mga middle-class people na sumasalo sa burden ng mga poor ang nakakalimutang alagaan.

Sino ba ang nangunguna sa mga protesta? Sino ang mga lagi na lang nakakura sa paghingi ng kung ano-ano wala naman ginagawa? Sino ang nakaabang at naghihintay sa biyaya galing sa kapwa pero papatay ng kapitbahay? Sino ba ang dahil di marunong sumayaw ng "Nobody" ay napatay ng kainuman? Sino ang dahil daw sa kahirapan ng buhay eh nakaisip magnakaw at gawing hobby ang snatching? Sino ang mga hirap na raw sa buhay pero nanganganak pa rin ng sangkatutak?

Pero sa totoo lang, kung umaayaw din naman ang telcos giants sa taxing ng mga SMS eh dahil din yan sa mababawasan ang kanilang kikitain. Naglalabanan pa naman sila ng pababaan ng texting rates para maka-attract ng consumers, tapos lalagyan mo pa ng tax. Pano na ung mga unlimited texts at iba't-ibang offers? Biro mo, aabut ng mahigit 45% ang masa-slash sa kita nila. Tataas pa ang bayad sa texting kasi syempre ang malulugi sa kanila, ipapatong sa mga consumers para makabawi ng kita. Tsk tsk tsk.

Di naman sa galit ako sa mga poor o nakikisimpatya sa middle-class people. Kaasar lang. Daming drama. Ginagamit pa ang estado sa buhay para lang ma-serve ang mga sarili nilang mga motibo. Siyempre, pag sinabi mo na anti-poor ang isang bagay, magre-react naman ang mga poor na di na naman makatarungan para sa kanila ang mga desisyon.

Halo-halo. Sanga-sanga. Hay naku. Kakairita na kayong lahat!

Friday, June 26, 2009

Babuuu to King of Pop


Ano ba 'yan?! Kabubukas ko pa lang ng computer eh ang tumambad naman agad na balita ay ang biglang kamatayan ni King of Pop! Puro na lang namamatay ang mga tao ngayon. Si Farrah Fawcett, Ed McMahon, Tito Dougs... Nakakalungkot na nawala na sila. Nakabawas man sila sa populasyon ng mundo, e sangkatutak pa rin namang mga nanay ang nanganganak sa kung saan-saang lupalop ng daigdig. Patas-patas din pala ang numero, kung hindi man hihigit pa.

Mabalik kay King of Pop, Michael Jackson (MJ). Di naman talaga ako fan ni Michael Jackson. Unang-una, may pagka-racist ako (oo, ang sama ko talaga!) Konti lang ang pagka-gusto ko kay MJ... Ewan ko ba kung bakit nung kasagsagan ng kasikatan nya eh wala naman akong pakialam hahaha Gusto ko siya nung bata pa lang siya lalo na nung marinig ko ung "Ben" na kanta niya. Siguro kasi naa-associate ko 'yun sa kuya ko. Nung bata pa kasi si Kuya, pinakanta sya ni Mama, at ang kinanta nya e "Bendatu"... 'Yun pala eh "Ben, the two of us were...." Oo, ung mga unang lyrics nung kantang Ben... at di ko na alam ang kasunod hehehe

Nakakalungkot din naman na mawala na si MJ. Sobrang phenomen si Michael Jackson. May mga gumagaya ng suot nya, pagkanta nya, pagsayaw, mukha nya. Siguradong "Sure hit!" ang mga songs nya (ganyan talaga... Sigurado na, sure pa!). Siguradong maraming malulungkot. Siguradong maraming reactions sa pagkamatay nya. Marami rin ang makikidawdaw (katulad ko)... Buti na lang, wala pa masyadong nagbabasa nito... Baka nga wala pa e hehehe Kasi kung meron na, sasabihin pa na isa ako sa mga nakikidawdaw.

Na-confirm na daw ng LA news ang death ni MJ, pero ang CNN, as of this writing, ay hindi pa. Pag nag-google ka nga sa pangalan ni MJ ang lalabas sa karamihang kwento e past tense na -- "Michael was..."... Haaaay.. totoo talaga ang balita.

Wala na talaga ang Peter Pan ng Pop music... Si Wacko Jacko... Oh well, nakakalungkot naman. Cardiac arrest daw.

Oh pano, Michael... Babay na. Sana sa pag-alis mo e maging masaya ka na at wag mo na dalhin ung childhood problems mo, pati na ung mga child molestation issues sa 'yo. Sana matahimik ka na...

Thursday, June 25, 2009

Matagal Na Pala

Matagal na pala nang huli akong makabisita sa blog ko...

Marami na ang nangyari... Nanalo na si Pacquaio kay Hatton, namatay na si FrancisM, nag-suicide si Trinidad Etong (maybahay ni Ted Failon), kumalat na ang video ni Hayden at Katrina. Si Dra. Belo e damay na rin dahil pinaghihinalaan na sya ang may pakana ng pagkalat ng mga videos. Ang latest, si Tito Dougs namatay na rin.

Ay teka, puro shobis pala eto. E sa ibang aspeto naman kaya ng Pilipinas ano na ang nangyari? Tuloy-tuloy pa rin ang usapan tungkol sa Reproductive Health Bill of the Philippines. Lumalaganap ang A(H1N1) virus. Pandemic na nga daw. Ngayon nga mas marami na ang schools na nagsasara muna dahil sa dami ng estudyanteng nagkakasakit dahil sa Swine flu. Eh lahat naman ina-attribute dito.

Tsk tsk tsk... lahat ay napalampas ko ang kwento. Sige, pipilitin kong makakuha ng kung ano-anong kwento para may mabasa kayo. Hehehe ganun din, para may hingahan ako ng lahat ng nasa isip ko...

O sya, balik-balikan nyo lang ako ah.

Next time ulit :)

Wednesday, February 25, 2009

Make Out sa Van

Naku... maikwento ko lang 'tong na-witness ko ah...

Sumakay ako sa Terminal papuntang South of Manila. Mga bandang alas-11 na ng gabi kaya ang mga vans, di na sila nagpupuno ng sasakyan. Andun ako naupo sa ikatlong linya ng van, e kaso pangit ang sandalan, lumipat na ko sa pinakalikod.

May dalawang babae na nasa likod. Mejo tinignan pa ko ng masama nung isang babae kasi lumipat nga ko sa tabi nila. Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa may window para di sya maiinis lalo sa 'kin.

Hanggang sa, "tsup... tsup... tsup...". E kaya naman pala inirapan ako nung isa, e kasi may milagro silang pinaplano sa likod! Nakupo, napaka-uncomfortable ng pakiramdam. Nag-earphones na nga ko e para di ko marinig, kaso likot naman ng likot kaya nadadali nila ako. Siyet! Ganun pala ang nagme-make out na mga babae.

Minsan-minsan, napapatingin ako sa kanila kasi nga nakaka-distract. Tapos, matatawa ako na naka-witness ako ng ganun. Hehehe!

Haaaayy.. nakakaloka! Pero, napaisip din ako: itutuloy kaya nila 'yun sa kanilang bahay?

Hehehe

Si Manang - Namatayan na, Masaya Pa

Sa FX, may nakatabi akong dalawang ale. Hindi ko alam kung ang feeling nila e sila lang ang nakakarinig sa kanilang usapan. Naku, e talagang malakas naman ang boses nila. Heto ang kanilang conversation:

Manang 1: Nung namatayan nga ko ng asawa, parang pakiramdam ko e hindi ako namatayan.

Manang 2: E bakit naman?

Manang 1: Aba! E mabuti na nga at namatay na ang p_ t _ _ _ i _ _ _ _ asawa ko e. Wala na ngang trabaho, lahat na lang ng bisyo e nasa kanya pa.

Manang 2: Ako nga, ang sabi nung mga kaibigan ko, parang nabunutan pa ko ng tinik nung mamatay na ang asawa ko. Parang nabawasan ng problema.

Manang 1: Naku, totoo 'yan. Dati nga di ko nabibilhan ng kung ano-ano ang sarili ko (sabay hikbi pa ni Manang 1). Ngayon, nakakabili na ko sa sarili ko pati na rin sa mga anak ko.


Naku po... Ganito pala ang sentimyento ng ibang mga tao sa kanilang mga asawa. Mga pasang-krus! Susmaryosep! Matagal pa ang Holy Week 'no...

Pero, sa totoo lang, parang nakaka-awa naman ang buhay nila 'no? Wala na ngang makain, nagsusugal pa ang asawa. Sabi ni Manang 1, naging labandera na nga daw sya nung kapatid ng asawa nya para lang may maibuhay sa mga anak at sa asawa.

Hay buhay! Nakaka-depress naman... Marami ba talagang ganyan dito?

Pers Taym

Magandang araw sa inyong lahat! :)

Eto ang unang-una kong sabak sa ganitong uri ng pagsusulat. Marami ang nagsasabi sa kin na masaya raw mag-blog. Kaya ako, nakikisubok na rin. Siguro ang isang bagay na maninibago ako e ang magsulat sa Tagalog. Parang mas madali ang magsulat sa ingles eh. Kaya mga kaibigan, mga mambabasa, gagawin ko na lng 'to sa Filipino -- para pati mga kaibigan natin sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao e makaka-relate. Taglish rin siguro kung minsan.

Kaya, heto na:

Ano bang meron dito sa blog na'to?

Minsan, may mababasa kayong mga kwentong manggagaling sa experience ko sa pagsakay-sakay sa jeep, tricycle, bus, at kung ano-ano pa... Magsusulat rin ako ng tungkol sa mga naririnig kong kwentuhan sa mga sasakyang ito... Mga naririnig sa radyo, nakikita sa daan...

In other words, mga kwentong hango sa totoong buhay...

Mga kwentong mula sa kalsada.

Okay ba mga kapamilya, kapuso, ka-berks?

Feel free na mag-react o sumulat sa 'kin ah. Kung meron kayong mga tanong, email mo lang ako. Kung may mga violent reactions, hhhmmm.... Sige na nga, sulat ka pa rin :)