Wednesday, February 25, 2009

Pers Taym

Magandang araw sa inyong lahat! :)

Eto ang unang-una kong sabak sa ganitong uri ng pagsusulat. Marami ang nagsasabi sa kin na masaya raw mag-blog. Kaya ako, nakikisubok na rin. Siguro ang isang bagay na maninibago ako e ang magsulat sa Tagalog. Parang mas madali ang magsulat sa ingles eh. Kaya mga kaibigan, mga mambabasa, gagawin ko na lng 'to sa Filipino -- para pati mga kaibigan natin sa buong Luzon, Visayas, at Mindanao e makaka-relate. Taglish rin siguro kung minsan.

Kaya, heto na:

Ano bang meron dito sa blog na'to?

Minsan, may mababasa kayong mga kwentong manggagaling sa experience ko sa pagsakay-sakay sa jeep, tricycle, bus, at kung ano-ano pa... Magsusulat rin ako ng tungkol sa mga naririnig kong kwentuhan sa mga sasakyang ito... Mga naririnig sa radyo, nakikita sa daan...

In other words, mga kwentong hango sa totoong buhay...

Mga kwentong mula sa kalsada.

Okay ba mga kapamilya, kapuso, ka-berks?

Feel free na mag-react o sumulat sa 'kin ah. Kung meron kayong mga tanong, email mo lang ako. Kung may mga violent reactions, hhhmmm.... Sige na nga, sulat ka pa rin :)

2 comments:

  1. hi chika i love da way u write,,,kc pareho tau nararanasan ko din minsan ung ganyang bagy lalo n sa pagsakay ng bus,tricel or van,,hihii

    ReplyDelete
  2. hi angeleen... katuwa naman nag-drop by ka sa blog na 'to. :D salamat! oo nga... nakakatawa minsan mga experiences natin.. pero masarap sila maalala 'no! sige, ingats :D

    ReplyDelete