Friday, September 11, 2009

Drama: Anti-Poor

Hay naku... Anti-poor na naman ang drama. Pag nagkaroon daw ng tax ang texting, kawawa na naman ang mahihirap. Oo nga, I agree. Pero di lang naman mahihirap ang kawawa kundi lahat ng tao na magte-text ano?!

Anti-poor, anti-poor. Eh 'yang mga poor nga ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa bansa, in the end, sila pa rin ang iniintindi ng gobyerno. Samantalang ang mga middle-class people na sumasalo sa burden ng mga poor ang nakakalimutang alagaan.

Sino ba ang nangunguna sa mga protesta? Sino ang mga lagi na lang nakakura sa paghingi ng kung ano-ano wala naman ginagawa? Sino ang nakaabang at naghihintay sa biyaya galing sa kapwa pero papatay ng kapitbahay? Sino ba ang dahil di marunong sumayaw ng "Nobody" ay napatay ng kainuman? Sino ang dahil daw sa kahirapan ng buhay eh nakaisip magnakaw at gawing hobby ang snatching? Sino ang mga hirap na raw sa buhay pero nanganganak pa rin ng sangkatutak?

Pero sa totoo lang, kung umaayaw din naman ang telcos giants sa taxing ng mga SMS eh dahil din yan sa mababawasan ang kanilang kikitain. Naglalabanan pa naman sila ng pababaan ng texting rates para maka-attract ng consumers, tapos lalagyan mo pa ng tax. Pano na ung mga unlimited texts at iba't-ibang offers? Biro mo, aabut ng mahigit 45% ang masa-slash sa kita nila. Tataas pa ang bayad sa texting kasi syempre ang malulugi sa kanila, ipapatong sa mga consumers para makabawi ng kita. Tsk tsk tsk.

Di naman sa galit ako sa mga poor o nakikisimpatya sa middle-class people. Kaasar lang. Daming drama. Ginagamit pa ang estado sa buhay para lang ma-serve ang mga sarili nilang mga motibo. Siyempre, pag sinabi mo na anti-poor ang isang bagay, magre-react naman ang mga poor na di na naman makatarungan para sa kanila ang mga desisyon.

Halo-halo. Sanga-sanga. Hay naku. Kakairita na kayong lahat!

No comments:

Post a Comment